Suspek sa paggahasa, pagpatay sa 15 anyos, arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 04:57 PM | Updated as of Dec 13 2017 01:16 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 15 anyos na estudyante sa Tigaon, Camarines Sur.

Tinukoy ang suspek bilang si John Rey delos Reyes, 42 anyos.

Nahuli si delos Reyes sa Balagtas, Bulacan at ibiniyahe papuntang Camarines Sur nitong Martes.

Ayon sa pulisya, naging suspek si delos Reyes dahil naiwan sa crime scene ang isdang tuyo at sukang binili umano ni delos Reyes sa tindahan.

Nakuha rin daw sa tinutuluyan ni delos Reyes ang underwear na mayroong bakas ng dugo.

Inihahanda na ang isasampang reklamong rape at murder laban sa suspek.

Kalalaya lang ni delos Reyes noong nakaraang taon matapos mabilanggo sa kasong murder.

Pauwi na mula sa eskuwelahan ang Grade 7 na biktima nang gahasain at patayin noong Huwebes, Disyembre 7.

Tatlong oras na nilalakad ng dalagita ang tatlong kilometrong distansiya mula sa bahay hanggang sa kanilang paaralan.

-- May ulat nina Mylce Mella at Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.