Paaralan sa Navotas binulabog ng bomb threat

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 12:39 PM

MANILA - Sinuspinde ang klase sa Tangos Elementary School sa Navotas, Martes ng umaga, dahil sa banta ng pambobomba.

Alas-6:15 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang staff ng paaralan mula sa hindi kilalang tao na nagsabing may pampasabog umano sa paaralan, ayon kay Hernando Cunanan, school property custodian.

Inilikas ng mga school official ang mga estudyante sa kalapit na basketball court.

Wala namang nakitang bomba ang mga pulis at bomb squad kaya idineklarang ligtas ang paaralan, alas-9 ng umaga.

Magpapatuloy ang klase sa Tangos Elementary School alas-12 ng tanghali, ani Cunanan.

Maaaring maharap sa hanggang 5 taon na pagkakakulong at multang hanggang P40,000 ang mga mapatutunayang nagpapakalat ng bomb threat, sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727.
 
- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.