Lalaki nagutom, nagpapak ng corned beef sa hypermarket

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 04:18 AM | Updated as of Dec 12 2017 07:11 PM

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng isang lata ng corned beef sa isang hypermart sa Santa Ana, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Paul Mathew Tanglao, 21-anyos, isang sales clerk sa naturang pamilihan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, inireklamo siya ng isang babae matapos mahuli na kumuha ng isang lata ng corned beef na nagkakahalaga ng P31.50.

Depensa naman ni Tanglao, nagutom lang umano siya habang nagtatrabaho kaya kumuha siya ng de lata at kinain ito sa loob ng warehouse ng mismong hypermarket.

Mahaharap sa kasong qualified theft ang suspek.