Ka Tunying's Cafe sa NAIA nilooban; P50,000 natangay

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 09:25 AM

Dinistrungka ng mga suspek ang cabinet at vault sa loob ng Ka Tunying's Cafe. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

MAYNILA - Natangayan ng aabot sa P50,000 ang Ka Tunying's Cafe sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Bukod sa pera mula sa cabinet ng kahera, natangay rin ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang laptop at iba pang gadget.

Martes ng umaga na nang iulat ng isang staff sa mga awtoridad ang kanyang dinatnan nang buksan ang cafe.

Kinumpirma naman ng Manila International Airport Authority ang insidente at nangakong iimbestigahan ang nangyari. 

Ipinagutos na ni Airport General Manager Ed Monreal ang mga imbestigador na rebyuhin ang lahat ng CCTV footage sa lugar. 

Ang Ka Tunying's Cafe, na nasa ika-4 na palapag ng NAIA-3, ay pag-aari ng mamamahayag na si Anthony Taberna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.