ALAMIN: Pagsampa ng kaso ng nakararami o 'class suit'

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 09:53 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Sa ilalim ng batas, posibleng pag-isahin ang mga reklamong isasampa ng marami na nakaranas ng parehong danyos dahil sa isang pangyayari.

Tinatawag ang ganitong pagkilos na isang "class suit" na nakapaloob sa Rules of Civil Procedure, na naglalatag naman ng mga aksyong maaaring gawin ng isang nais magreklamo sa korte.

Tinalakay ang class suit sa programang "Usapang De Campanilla" nitong Lunes.

Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagdinig ng korte sa kaso.

"Mahirap kasing isa-isa silang magsampa," ani Atty. Claire Castro.

Halimbawa ni Castro ay ang insidente ng food poisoning.

Puwedeng magsampa umano ng class suit na "criminal negligence" ang 200 kataong bumili ng iisang klase ng pagkain na nagdulot ng sakit sa kanilang lahat, gaya ng pagdudumi at pagsusuka.

"Dapat similar 'yong situation nila kahit iba-iba silang tao," paliwanag ni Castro.

Sakaling may iba pang danyos, puwede umanong magsampa ng hiwalay na reklamo.

Sa halimbawa ng food poisoning, kung may namatay ay maaaring magsampa pa ng kasong "criminal negligence resulting in homicide."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.