ALAMIN: Ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque, Pasay mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 05:44 PM

MANILA - Pansamantalang mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque, at Pasay sa Huwebes at Biyernes, ayon sa Maynilad.

Ito ay dahil nakatakdang magsagawa ng emergency maintenance work sa Parañaque simula alas-10 ng gabi ng Disyembre 14, Huwebes, hanggang alas-10 ng umaga Biyernes. 

Bunsod nito, pansamantalang mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

Las Piñas

  • Bahagi ng BF International/CAA
  • Bahagi ng Daniel Fajardo
  • Bahagi ng Elias Aldana
  • Bahagi ng Ilaya
  • Bahagi ng Manuyo Uno
  • Bahagi ng Manuyo Dos

Parañaque

  • Bahagi ng BF Homes
  • La Huerta
  • Bahagi ng Moonwalk 
  • San Dionisio
  • Bahagi ng San Isidro
  • Bahagi ng Sto. Niño

Pasay

  • Cooling Tower NAIA Terminal 1
  • Bahagi ng Brgy. 199
  • Bahagi ng Sto. Niño
  • Rivera Villa Elementary School

Pinapayuhan ng Maynilad ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bilang paghahanda sa water interruption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.