8 sugatan sa salpukan ng bus, ambulansiya sa EDSA

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2020 01:49 PM


MAYNILA— Walo ang sugatan sa salpukan ng bus at ambulansiya sa EDSA sa Pasay City, Biyernes ng umaga. 

Sa paunang impormasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, ang apat na nasugatan ay pasahero ng EDSA Carousel bus habang ang iba ay sakay ng government ambulance mula Las Piñas City.

Ayon sa MMDA, magkasabay na kumanan mula sa Macapagal Boulevard papuntang EDSA northbound ang 2 sasakyan nang magkabanggaan pasado alas-7 ng umaga.

Nabasag ang harapang salamin ng bus na dumiretso sa southbound lane.

Nawasak din ang salamin ng L300 ambulance van na sumampa naman sa center island.

Dinala ang mga sugatan sa Pasay General Hospital.

Pasado alas-8 na ng umaga naialis ang naaksidenteng mga sasakyan sa kalsada.

 FROM THE ARCHIVE

Watch more on iWantTFC