MAYNILA—Tone-toneladang frozen meat mula China ang nasabat ng mga awtoridad sa Navotas City Miyerkoles ng gabi.
Hinarang ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang isang container van sa San Rafael Village matapos makakalap ng impormasyon na may ibabagsak na frozen meat mula China sa naturang lugar.
Naharang ang container van na naglalaman ng mga karton ng frozen poultry tulad ng black chicken, duck liver, at mga parte ng Peking duck.
Ayon kay Dr. Isidro Callangan, senior meat control officer ng NMIS-NCR, walang dokumentong na-ipresenta ang driver ng trak para sa deklarasyon ng kargamento.
May ban ang Department of Agriculture (DA) sa mga produktong karne mula China dahil sa banta ng avian flu virus at African swine flu.
Kasalukuyan pang isinasagawa ang imbentaryo ng mga kumpiskadong poultry products.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, frozen meat, karne, China, baboy, manok, chicken, poultry, DA, Avian flu virus, African swine flu, ASF, TV PATROL, TV PATROL TOP