SAPUL SA DASHCAM: Snatcher nagtago sa halamanan bago magnakaw

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 07:15 PM | Updated as of Dec 11 2019 08:10 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Sapul sa dashcam noong Lunes ang modus ng isang snatcher sa Felix Avenue, Cainta, Rizal kung saan nagtago muna ang kawatan sa halamanan bago manghablot sa pasahero ng jeep.

Habang mabigat ang daloy ng trapiko, sinamantala ito ng hindi pa nakikilalang snatcher para makapagnakaw.

Modus ng salarin na umistambay sa halamanan ng center island kung saan siya nag-aabang ng mga mabibiktima.

Sa video na kuha noong Lunes, kitang biglang hinablot ng salarin ang tila kuwintas na suot ng pasahero ng jeep na nakatengga sa traffic. 
    
"Nagulat ako mula sa halamanan, nakita ko. Binusinahan ko pa para mabulabog ang mga pasahero... Parang kalabit lang siya sa leeg ng biktima... Snatcher talaga," kuwento ni James Jasmin, ang may-ari ng dashcam video. 

Mabilis na tumawid ang snatcher sa kabilang kalye.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang kawatan.


— Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.