Municipal treasurer ng Ampatuan, Maguindanao at mister nito, sugatan sa pananambang

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 08:20 PM

Photo courtesy of Aries Abdul Khan

GUINDULUNGAN, Maguindanao - Sugatan ang municipal treasurer ng bayan ng Ampatuan, Maguindanao at ang mister nito matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa national highway ng Barangay Bagan sa Guindulungan, Maguindanao Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mag-asawa na sina Jeric at Roshel Kuit na agad dinala sa Maguindanao Provincial Hospital at kalauna’y inilipat sa isang ospital sa Tacurong City.

Sa impormasyon mula sa Guindulungan Police, sakay ng SUV ang mag-asawa nang tambangan ng 'di pa nakikilalang mga
armado.

Inaalam pa ng pulisya kung nakasakay din ba ng sasakyan ang mga salarin o inabangan ang mga ito sa gilid ng daan.

Sa impormasyon mula sa kamag-anak ng mga biktima, nasa kritikal na kondisyon umano ngayon ang municipal treasurer na si Roshel.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.