ALAMIN: Mga kalsadang isasara para sa parada ng 2019 MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 06:55 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang ilang kalsada sa Taguig City sa Linggo, Disyembre 22, para bigyang daan ang parada ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga kalsadang isasara sa mga motorista ang mga sumusunod: 

  •  ML Quezon mula Dr. A. Santos hanggang MRT
  •  Habang-daan MRT mula M.L Quezon hanggang Cuasay
  •  Habang-daan Cuasay mula MRT hanggang C-5
  •  Sa kanto ng C-5 Service Road at Cayetano Boulevard

Magpapatupad naman ng counterflow sa mga sumusunod na kalsada:

  •  Upper Mckinley Road mula C-5 hanggang Lawton Avenue 
  •  Lawton – 5th Street mula Upper Mckinley hanggang Mckinley Parkway
  •  Habang-daan 32nd Avenue mula Mckinley Parkway hanggang 7th Avenue

Magpapatupad din ng stop-and-go scheme sa mga sumusunod:

  •  C-5 hanggang Upper Mckinley 
  •  C-5 Service Road hanggang Sampaguita bridge 
  •  Mckinley Parkway hanggang 26th Avenue

Ayon sa MMDA, lahat ng apektadong kalsada ay mabubuksan ng alas 7 ng gabi.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas sa mga naturang kalsada at planuhin nang maaga ang biyahe.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.