11 Chinese na ilegal umanong nagtatrabaho sa Tacloban City hinuli

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 05:45 PM

TACLOBAN CITY — Timbog noong Lunes ang 11 Chinese national na ilegal umanong nagtatrabaho sa ilang establisimyento sa Zamora street sa lungsod na ito. 

Ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nagkasa ng operasyon laban sa mga Tsino. 

Ayon kay BI-Tacloban Alien Control Officer Robbin Docena, 7 sa mga hinuli ay lalaki habang 4 naman ang babae.

Walang maipakitang visa o anumang kaukulang dokumento ang mga banyaga.

Hindi na pinangalanan ng BI ang mga Chinese at sinabing dadalhin sila sa central office ng ahensiya sa Maynila para sa kanilang deportation proceedings. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.