5 timbog sa pagbebenta ng karne ng green sea turtle sa Cebu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

5 timbog sa pagbebenta ng karne ng green sea turtle sa Cebu

5 timbog sa pagbebenta ng karne ng green sea turtle sa Cebu

Joworski Alipon,

ABS-CBN News

Clipboard

CEBU CITY - Lima ang arestado dahil sa pagbebenta ng karne ng green sea turtle dito sa lungsod Biyernes.

Lumabas sa imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Bureau of Investigation (NBI) na ibinebenta ng mga suspek ang karne sa halagang P90 kada serving ng putahe sa isang kainan sa Barangay Pasil.

Ilegal ang pagbebenta ng mga green sea turtle dahil ito ay isang endangered species, sabi ni DENR Senior Ecosystems Management Specialist Rogelio Demelletes Jr.

Ang isa sa mga kinatay na pagong ay may geotag pa na nagsasabing "Return to: Turtle Islands Park. Sabbah-Malaysia" ani Demellentes.

ADVERTISEMENT

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.