Construction worker, pinagsasaksak ng magkapatid

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2017 09:59 AM

Bumagsak ang kulungan ang magkapatid na sina Jojo at Jerry Juan matapos umanong pagsasaksakin at mapatay ang isang constructionn worker. ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO - Patay ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng nakaalitang magkapatid sa loob ng isang warehouse compound sa lungsod na ito, Linggo.

Nakita ng isang saksi ang mga suspek na humihingi ng pera sa 43-anyos na biktimang si Carlito Bajolo bago sila umalis sa crime scene sa Barangay Cugman.

Kalaunan, natagpuan doon ang bangkay ni Bajolo na tadtad ng saksak at may pamamasa sa mukha, ayon sa pulisya.

Naaresto anila ang magkapatid na si Jojo at Jerry Juan sa hot pursuit operation. Nakuha sa kanila ang isang 12-pulgadang kutsilyo.

Inamin ng magkapatid na napatay nila si Bajolo at una na nila itong nakaaway dahil sa trabaho. Nakatakda silang kasuhan ng murder.

Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.