Worker, patay nang matabunan nang buhay sa construction site sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2022 11:04 AM

Bureau of Fire Protection - Nasugbu
Bureau of Fire Protection - Nasugbu

Patay ang isang construction worker nitong Miyerkoles matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Francis Ortiz, 33 anyos, at residente ng Sitio Sisa, Barangay Wawa sa nasabing bayan.

Nangyari ang insidente habang nasa ilalim si Ortiz ng hinuhukay na foundation ng isang itatayong istraktura sa isang private resort club. 

Ayon sa report ng Nasugbu police, nasa ilalim ng nasa 20 feet na excavated foundation ang biktima sa construction site sa resort nang bigla itong gumuho dakong alas 4:30 ng hapon. 

Buong-buong natabunan ng makapal na lupa ang biktima.

Tumagal ng mahigit na 4 na oras ang retrieval operations bago na-recover ang wala nang buhay na katawan ng construction worker bandang alas-9 ng gabi.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam kung sino ang may responsibilidad sa insidente.

-- Ulat ni Ronilo Dagos 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC