PatrolPH

Duterte dumalo sa 'Summit for Democracy' na pinangungunahan ng US

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2021 08:41 PM | Updated as of Dec 10 2021 11:40 PM

Screengrab mula sa PCOO
Screengrab mula sa PCOO

MAYNILA (UPDATED)— Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes sa “Summit for Democracy”, isang virtual conference na pinangungunahan ng Estados Unidos. 

Ipinagmalaki ni Duterte na ang Pilipinas ang unang republika sa Asia na naging inspirasyon ng mga ibang bansa sa rehiyon na maging malaya mula sa mga kolonyalista at mananakop.

"We have a vibrant democracy and an open and diverse society. Freedom of expression and of the press are fully enjoyed. And the regular transfer of power is guaranteed through free and honest elections," aniya.

Inamin naman ng Pangulo na hindi perpekto ang sistema ng Pilipinas kahit ito ang pinaunang demokrasiya sa Asia.

"Corruption, poverty, and peace and order issues have always been and continue to our major challenges. They weaken our institutions and deprive many Filipinos of democratic agencies," ani Duterte.

Nangako siya na bago matapos ang kaniyang termino, magkakaroon ng "honest, peaceful, at credible" na halalan sa bansa sa 2022. 

Sinagot naman ng Malacañang ang batikos sa pagsama ng Pangulo sa naturang event dahil sa mga naging kontrobersyal na isyu niya sa media at human rights.

“Well, I think iyong imbitasyon sa bansang Pilipinas ‘no, at ang pakikilahok at pagsali ni Pangulong Duterte dito sa Summit na ito ay pagkilala sa demokrasya na umiiral po dito sa ating bansa,” sabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa press briefing nitong Biyernes.

Video mula sa PCOO

Una nang sinabi ni Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Usec. Robert Borje na layunin ng summit na pagsama-samahin ang iba’t ibang lider ng mga bansa.

Ito ay para umano mapag-usapan ang commitment ng bawat isa pagdating sa pagpapalakas ng demokrasya sa kanilang mga gobyerno. 

Humarap ang Pangulo sa higit 100 na mga lider na inimbitahan ni Biden kabilang ang Indonesia, Japan, Korea at iba pa.

“At the end of it all, what the President is saying is that the Philippines is democratic, Filipinos are democracy-loving people. We value democracy," ani Borje sa isang panayam. 

"We may continue to have challenges as a democracy, but we're firmly committed to democratic values. And that's always been his message naman bilang Pangulo ng Pilipinas,” dagdag niya.

Una nang sinabi ng Office of the President na sesentro ang summit sa pagdepensa laban sa “authoritarianism," pagtugon sa isyu ng korapsyon at pagsusulong ng respeto sa human rights.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.