Municipal building ng Naujan, Oriental Mindoro isinailalim sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2020 03:28 PM

Municipal building ng Naujan, Oriental Mindoro isinailalim sa lockdown 1

MAYNILA - Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang main building ng municipal hall ng Naujan sa Oriental Mindoro matapos na magpositibo ang asawa ng isang opisyal doon.

Sa ilalim ng Municipal Executive Order 20-053 na nilagdaan ni Mayor Mark Marcos, sinimulan ang lockdown nitong Miyerkoles, Disyembre 9, at tatagal hanggang Linggo, Disyembre 13.

Ito ay upang bigyang daan ang pag-disinfect sa buong gusali at makapagsagawa ng targeted testing at massive contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng asawa ng municipal administrator na nagpositibo sa COVID-19.

Watch more News on iWantTFC

Nakasalamuha umano ng asawa ng municipal administrator ang isang barangay official na unang nagpositibo sa virus.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng posibleng nakasalamuha ng municipal administrator na sumailalim sa home quarantine.