PatrolPH

Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2020 07:37 PM | Updated as of Dec 10 2020 07:40 PM

Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits 1
Nag-abot ng tulong ang ABS-CBN sa ilang ospital sa Baliwag, Bulacan at Nueva Ecija na patuloy na nangangailangan ng personal protective equipment. ABS-CBN News

Hindi man ganoon kataas ang kaso ng COVID-19 sa Baliwag, Bulacan ngayon, sinimulan na ng kanilang local government unit (LGU) ang pagkakaroon ng sariling isolation facility ng 27 barangay.

"Nahihirapan po kasi ang municipality na i-accommodate lahat so we saw to it na dapat magkaroon ang bawat barangay," ani Dr. Dave Legazpi, rural health physician sa Baliwag.

Kaakibat nito ang pangangailangan ng kanilang health workers ng personal protective equipment (PPE).

Pero aminado ang lokal na pamahalaan na hindi lahat ay kaya nilang mabigyan ng PPE.

"Malaki pong bagay po 'yan. Ang supply chain natin, hindi naman ganoon ka-perpekto, unlike sa ibang bansa, umaasa pa rin tayo sa bigay," ani Dr. Joseph Paul Cruzcosa, tag ng Gregorio del Pilar District Hospital sa Bulacan.

Mababa rin ang kaso ng COVID-19 sa Nueva Ecija pero maingat at mahigpit ang medical frontliners sa pag-asikaso ng mga pasyente.

"Continuous po ang kailangan namin na proteksiyon," ani Dr. August Abuelda Jr. ng Eduardo L. Joson Memorial Hospital.

Nagdala ang ABS-CBN ng mga personal protective equipment at rapid test kits sa mga ospital sa Baliwag at Nueva Ecija.

Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits 2
Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits 3
Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits 4

Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor

Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor

Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor

Samantala, patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo. 

Ilang ospital sa Bulacan, Nueva Ecija binigyan ng PPE, test kits 5

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.