PatrolPH

Bus bumitin sa bangin matapos bumangga sa railing sa Bataan

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2020 07:59 AM

Bus bumitin sa bangin matapos bumangga sa railing sa Bataan 1
Bumitin sa bangin ang isang bus matapos na sumalpok sa railing sa zigzag road sa Mariveles sa Bataan, Disyembre 9, 2020. Larawan mula kay Jomar Hora

Isang company service bus ang sumadsad sa kalsada at sumalpok sa railings bago tuluyang bumitin sa bangin sa zigzag road sa Mariveles, Bataan Miyerkoles ng hapon.

Naganap ang aksidente sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan dahilan para maging madulas ang daan.

Bukod dito, isa pang motorsiklo ang pumailalim naman sa nasabing bus.

Kaagad na rumesponde ang Mariveles Medic Rescue Team sa aksidente.

Wala namang naiulat na malubhang nasaktan sa aksidente.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang dahilan ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.