Tacloban tumanggap ng 6 donasyong bus

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 04:35 PM

MANILA - Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Tacloban, Linggo, ang 6 na bus na ibinigay ng isang kumpanya para sa patuloy na pagbangon ng lungsod mula sa pananalasa ng Bagyong Yolanda. 

Pinangunahan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Diño ang turnover ng mga bus mula sa Vallacar Transit Inc. 

Bago ang programa, ilang buwan nang ginagamit ng Tacloban ang mga bus para ilipat ang Yolanda survivors sa relocation sites mula sa coastal areas. 

Walang kondisyong nakakabit sa donasyon, sabi ni Diño. 

Mahigit 7,000 ang nasawi habang nasa 4 na milyong bahay ang nasira nang bayuhin ni Yolanda ang Visayas, apat na taon na ang nakaraan.-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.