SAPUL SA CCTV: 10 anyos, nabundol ng motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 08:56 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Sugatan ang isang 10 taong gulang na babae matapos mabundol ng isang fast food delivery motorcycle sa Mabalacat, Pampanga noong Sabado.

Nagtamo ng sugat at bali sa buto ang biktima matapos mabangga habang papatawid sa isang pedestrian lane sa may Barangay Sta. Ines.

Sugatan din ang delivery boy na aminadong mabilis ang kaniyang takbo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima at delivery boy matapos magkaareglo.

Handa rin ang kompanya na pinagtatrabahuhan ng delivery boy na sagutin ang gastos sa pagpapagamot sa biktima.

-- May ulat ni Pauline Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.