26 sugatan, 2 patay sa nahulog na bus sa Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 10:13 AM

Makikita ang nawasak na bus sa larawang ito mula sa Mimaropa police. author

Sinisiyasat ng mga imbestigador ang naaksidenteng sasakyan. Mimaropa police

Nagkayupi-yupi ang unahang bahagi ng bus. Mimaropa police

SAN JOSE, Occidental Mindoro - Dalawa ang patay habang 26 ang sugatan matapos mahulog sa malalim na bahagi sa may kalsada ang isang bus sa bayang ito, Sabado ng gabi. 

Lulan ng bus ang 44 estudyanteng atleta at staff ng Rizal University System of Morong, Rizal. Patungo sana sila sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics na idadaos sa San Jose. 

Naaksidente ang bus matapos mawalan ng preno sa bahagi ng Sitio Bunga, Barangay Nicolas dakong alas-6:30 ng gabi, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya. 

Kabilang sa mga nasawi sina Elmer Decillo, 61-anyos na sports director ng Rizal University System at si Jonathan Penada, 51. - Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.