Teenager na inalok maging modelo, nawawala

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2016 04:59 PM | Updated as of Dec 10 2016 06:38 PM

MANILA - Isang 17-anyos na babae mula Cavite ang pinaghahanap ng kanyang pamilya mapatapos itong mabigong makauwi nang makipagkita umano sa isang taong nag-alok sa kanya ng trabaho bilang modelo.

Ayon sa report, Disyembre 6 nang magpaalam ang dalagitang si Melissa Magracia na makikipagkita sa isang taong nakilala lamang sa pangalang "Lric Mohika", ang taong nag-alok sa kanya ng trabaho.

Base sa sumbong ni Bing Magracia sa Indang, Cavite police, nakilala ng kanyang anak si Mohika sa isang social networking site.

Hindi na nakauwi pa ang dalagita at hindi na rin ito makontak sa telepono.

Maging ang umano'y Facebook account ni Mohika ay deactivated na rin.

Naisumbong na rin ng pamilya ng biktima sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang nangyari.

Hinihiling ng pamliya sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya kung mayroon silang impormasyon hinggil sa kanilang anak. - With reports from Alex Calda, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.