PatrolPH

Pagsasara ng bahagi ng North Avenue tinutulan ng MMDA

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2021 07:18 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Tinutulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mungkahing pagsasara ng bahagi ng North Avenue para mapabilis ang konstruksiyon ng Grand Central Station ng MRT-3. 

Mungkahi sana na isang buwang isara ang bahagi ng naturang kalsada para mas mapadali ang konstruksiyon nito. 

"Tapusin muna itong Christmas season. Next year na lang gawin 'yan," ani MMDA General Manager Don Artes. 

Sila kasi ang aatasang gumawa ng traffic management plan at implementation para diyan. 

Sa ngayon kasi pinagkakaabalahan ng MMDA ang Christmas rush traffic plan kaya hindi nila maaasikaso ang road closure. 

Anila, maaaring lalong bumigat pa ang trapiko lalo't Christmas rush at dadagdag ang biyaheng papasok at palabas ng Maynila. 

Bukod dito, tinutulan ng MMDA ang plano ng Department of the Interior and Local Government na ipagbawal ang Christmas carolling ng mga bata, partikular na sa mga batang 11 anyos pababa. 

Base kasi anila sa napagkasunduan ng Metro Manila Council ay papayagan ang mga bata. 

Puwede na rin anila ang family reunions pagdating ng Pasko basta't wag lalagpas sa 50 porsiyento ang kapasidad ng venue. Pero bawal ang magpasara ng mga kalsada para sa mga party o pagvi-videoke. 

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.