PatrolPH

Bakit isang dose lang ang binibigay na COVID-19 booster sa Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2021 03:14 PM

Watch more on iWantTFC


MAYNILA - Isang dose lamang ang inirerekomenda ng mga eksperto para sa COVID-19 booster shot, ayon sa Department of Health nitong Huwebes.

Ito ay dahil pinagaaralan pa ang mga bakuna at mayroon pa lamang itong emergency use authorization, ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

"If you received 2 doses instead of 1 dose, mas attenuated o emphasized ang reaksyon sa inyo and the long-term effects pinagaaralan pa ho yan," aniya sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

"Ang ating tinitingnan na risk kapag ganito would be the risk of attenuation of adverse reaction dahil alam natin, 'pag binu-boost tayo, ina-attenuate yung system natin, and therefore baka mas expected sa'tin na nagre-react tayo sa bakuna."

Nakasaad din sa EUA na ibinigay ng Food and Drug Administration na iisang dose lamang ang dapat ibigay bilang booster shot, ayon kay Vergeire.

"Sabi nga natin, it’s outside the EUA, and therefore government cannot be accountable kung saka-sakaling magkaroon kayo ng reaction," aniya.

May kabuuang 39.57 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa bansa, samantalang 57.64 milyon naman ang nakakuha na ng unang dose ng bakuna, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Nasa 643,370 booster doses naman ang naiturok ng mga awtoridad, ayon sa pinakahuling tala ng ABS-CBN Investigative and Research Group.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.