PatrolPH

Nasa P700,000 halaga ng shabu, nasabat sa Lipa; 3 timbog

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2020 05:25 AM

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaki at isang babae matapos mahulihan ng daan-daang libong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lipa City, Batangas nitong Lunes.

Hinuli ang target na si alyas Pakpak, pati ang kasamahan nitong sina alyas Doc Al at alyas Thalia.

Nang pakapkapan, nasabat sa kanila ang siyam na sachet ng shabu na nasa mahigit 100 gramo o nagkakahalaga ng P700,000.

Nahulihan din ng .9mm na baril si Pakpak.

Ayon sa Lipa City Police, dati nang naaresto sina Pakpak at Thalia dahil din sa ilegal na droga noong 2016 at pinalaya noong 2018 sa tulong ng plea bargaining. 

Nahaharap silang lahat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.