Nakaparadang tricycle sa gitna ng daan, nabangga ng AUV

Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 07:38 AM | Updated as of Dec 09 2019 08:46 AM

Watch more in iWantTFC

JARO, Iloilo City – Dalawang katao ang sugatan matapos na salpukin ng AUV ang isang tricycle na nakahambalang sa gitna ng kalsada sa Barangay Balantang, Jaro, Linggo ng madaling araw.

Sugat sa ulo at gasgas sa katawan ang natamo ng driver ng tricycle na si Gino Dago at kasama nitong si Rodnel Castor.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, huli na nang mapansin ng driver ng AUV na si Jerome Juaneza ang tricycle sa daan. Makailang-ulit umikot ang tricycle matapos itong salpukin ng AUV.

Paliwanag ni Juaneza na hindi niya nakita agad ang tricycle sa gitna ng daan kaya’t nabangga niya ito.

Sira ang goma ng tricycle at nagkalat sa daan ang ilang parte nito habang wasak ang kanang bahagi ng AUV. 

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang dahilan sa pagparada ng tricycle sa gitna ng daan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.