Mahigit P700-K halaga ng hardwood, nasabat sa Surigao City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 01:42 AM

Mahigit P700,000 halaga ng magkono wood ang nasabat sa Surigao City Linggo.

Ayon sa Surigao City Police, agad ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na isang 10 wheeler truck ang magbabiyahe ng mamahaling kahoy sa bahagi ng Barangay Lipata, Surigao City.

Nang makita nila ang trak, agad nila itong hinarang at inaresto ang driver at pahinante nito.

Nang inspeksyunin, tumambad ang 3,697 board feet ng magkono wood na may market value na P732,000.

Ang magkono ay uri ng kahoy na ginagawang muebles.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.