P7-M shabu nasamsam sa buy-bust sa Cebu City

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2018 09:38 AM

CEBU CITY - Mahigit sa P7 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Guadalupe, Sabado ng gabi. 

Residente mismo ang nagsumbong sa umano'y mga ilegal na transaksiyon ng suspek na si alyas Adreainne sa lugar, ayon sa mga awtoridad.

Aabot sa 1.1 kilo ng sinasabing shabu ang nasamsam mula sa suspek na kilala rin sa alyas na "Ter." Nagrerenta lamang siya sa bahay kung saan isinagawa ang operasyon. 

Sinusuri na ng pulisya ang pinagkukunan ng ilegal na droga batay sa ilan nilang nakuhang impormasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.