2 arestado sa buy-bust sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2018 08:09 AM

MANILA - Hindi na nakapalag ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kinilalang si alyas Airene 45 at parokyano nito na si alyas Froilan nang arestuhin sila ng mga pulis.

Ayon sa paunang ulat ng Marikina city police, target ng buy-bust operation target si Airene at ang asawa nito na si alyas Ferdinand na naninirahan sa Bonanza Phase 2, Brgy. Fortune.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng P500 halaga ng shabu mula sa mga target. Matapos ang transaksiyon ay agad na nilusob ng mga operatiba ang bahay ng mag-asawa pero nakatakbo na palayo sa hindi malamang direksyon si Ferdinand .

Nakuha mula sa suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money. Patuloy naman ang paghahanap sa nakatakas na suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.