Lalaki arestado matapos mahulihan ng droga sa QC

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2017 07:56 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ang suspek bilang si Macmod Saban na nahulihan ng 7 sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet ng marijuana at isang pirasong ecstasy.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang mga nakuhang shabu bukod sa marijuana. 

Pero aminado itong dati na siyang nakulong dahil din sa pagtutulak, ngunit huminto na umano siya sa pagbebenta at nagsisilbing asset ng PDEA sa mga operasyon nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.