Aklat-pambata na tumatalakay sa child labor, inilunsad ng DSWD

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2017 09:13 PM

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Child Labor Committee ang isang librong pambata o storybook na tumatalakay sa child labor.

May pamagat ang librong "Si Elena At Ang Kanyang Mga Pangarap." 

Layunin ng libro na mamulat ang mga kabataan, kabilang ang mga nakaranas nang magtrabaho sa murang edad, sa panganib na idinudulot ng child labor. 

Ito ay upang mapalakas din ang kampanya ng pamahalaan laban sa child labor sa mga barangay at komunidad.

Unang ipamamahagi ang libro sa Calabarzon, Bicol, at ilang bahagi ng Visayas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may tinatayang 2.1 milyong child laborer na may edad 5-17 sa bansa.

--Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.