2 lasing na sakay ng motorsiklo, naaksidente sa EDSA

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2017 08:07 AM

Sugatan ang rider at ang angkas niya matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa plastic barrier at sumemplang sa EDSA North Avenue, Sabado ng madaling araw.

Nagtamo ng gasgas sa mukha at tuhod ang babaeng backrider na walang suot na helmet. 

Ang rider naman na ka-trabaho niya, bagamat may malay nang abutan ng rescuers, ay hindi gumagalaw.

Isinugod siya sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay Robert Laxamana ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), galing sa inuman ang dalawa at ihahatid sana ng lalaki ang angkas niya sa bahay nila sa Barangay Baesa, bago mangyari ang aksidente.

Payo ng MMDA sa publiko na huwag magmaneho kapag nakainom.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.