PatrolPH

P3.7 milyong gadget natangay sa tindahan sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2022 01:44 PM | Updated as of Dec 08 2022 01:45 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Aabot sa P3.7 milyong halaga ng mga gadget ang natangay sa isang tindahan sa Cagayan de Oro City. 

Sa kuha ng CCTV, kita ang pagpasok ng 3 armadong lalaking pawang naka-helmet. 

Tinutukan nila ng baril ang mga customer at staff at tinipon nila ang mga ito sa isang sulok, bago pumunta sa counter. 

Sa loob ng ilang minuto, nilimas nila ang mga smartphone, tablet at laptops. Kasama sa mga naapektuhan ang isang senior citizen. 

Tumakas ang grupo gamit ang motorsiklo. 

Babala ng gadget store sa social media, mag-ingat ang publiko sa mga seller na nagbebenta ng gadget sa napakamurang halaga at hinimok na i-report sa kanila ang mga ito dahil maaaring ninakaw ito sa kanilang tindahan. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.