PatrolPH

Mahigit 20 bahay nasunog sa Pasay City; 2 aso nasagip

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2021 12:16 AM

MAYNILA - Natupok ng sunog ang 23 bahay sa Pasay City Martes ng gabi. 

Sumiklab ang apoy sa P. Villanueva corner S. Raymundo St. sa Bgy. 87 bandang alas-6 ng gabi.

Mahigit 100 firetruck ang rumesponde matapos iakyat hanggang ikatlong alarma ang sunog.

Tumagal ng 3 oras ang pag-aapula at inabot ng alas-9 ng gabi bago nagdeklara ng fire out.

Ayon kay Pasay City fire marshal F/Sr. Supt. Crossib Cante, nasa 50 pamilya o 200 indibidwal ang apektado.

Sa gitna ng pag-aapula, sinagip ng mga bombero ang 2 aso mula sa ikalimang palapag ng nasusunog na gusali.

Sa kasawiang-palad, hindi nakaligtas ang 6 na tuta.

Bukod namang sa isang taong binigyan ng atensyon medikal dahil sa pag-hyperventilate, walang taong naiulat na nasaktan sa sunog.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy.

Sa pagtataya ng BFP, aabot ng P800,000 ang pinsala ng sunog. 

Halos kasabay ng sunog na ito ang isa pang sunog sa San Andres, Maynila. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.