PatrolPH

Malawakang protesta sa Int'l Human Rights day kasado na

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2021 08:38 PM

MAYNILA — Kasado na ang mga pagkilos ng ibat-ibang labor unions sa bansa sa December 10 bilang paggunita sa International Human Rights Day.

Sa virtual forum ng Council of Global Union-Philippines na dinaluhan ng iba't ibang labor groups gaya ng Kilusang Mayo Uno at iba pang kaalyadong grupo, inanunsyo ang magiging mga aktibidad sa bansa sa darating na Biyernes.

Kabilang dito ang isasagawang candle lighting at noise barrage sa Boy Scout of the Philippines Circle sa Timog, Quezon City alas-5 ng hapon.

Ayon sa CGU-Pilipinas, may mga kasabay din itong virtual rallies at kasabay na pagkilos sa UP Diliman alas-10 ng umaga na sesentro laban sa Anti-Terrorism Act. 

"We express our full solidarity with the people of Philippines as they come back violence against trade unionists and violations of trade union rights around the land. The Filipino trade union movement can attest to the alarming level of repression of worker rights in the country," ani Union Network International general secretary Christy Hoffman.

Kasama sa mga isinisigaw ng grupo ang pagtigil sa extrajudicial killings sa bansa at panawagan sa mga awtoridad na pabilisin ang imbestigasyon at pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa mga labor leaders at miyembro ng unyon sa Pilipinas. 

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.