PatrolPH

Baha, landslide naranasan sa Eastern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2021 10:53 AM

Kuha ng Department of Public Works and Highways-Eastern Samar
Kuha ng Department of Public Works and Highways-Eastern Samar

EASTERN SAMAR—Nagtala ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang parte ng Eastern Samar nitong Miyerkoles dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa bayan ng Can-avid, lagpas tuhod ang baha sa mga barangay ng Solong at Guibuangan.

Patuloy namang minomonitor ng Can-avid Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang iba pang lugar, lalo na ang mga upstream barangay. 

Kuha ng Can-avid Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
Kuha ng Can-avid Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

Samantala, nagdulot ng landslide sa Barangay Binaloan sa bayan ng Taft ang walang tigil na pag-ulan, na nararanasan simula nitong Martes.

Sa monitoring ng Taft MDRRMO, mayroon ding rockslide na nangyari sa lugar, na delikado sa mga motorista.

Isinarado na ng Department of Public Works and Highways ang Taft-Buray Road para sa kaligtasan ng mga dumaraan doon.

Ayon sa PAGASA, nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas ang shear line, na maaaring magdulot ng flash floods o landslides dahil sa malakas na ulan.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

—May ulat nina Sharon Evite at Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.