14 crew ng lumubog na bangka sa Capul Island sa Norther Samar, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2021 10:37 AM

Lumubog ang bangka matapos na madali umano ng malakas na alon sa Capul Island sa Northern Samar. Larawan mula sa Northern Samar Police Provincial Office
Lumubog ang bangka matapos na madali umano ng malakas na alon sa Capul Island sa Northern Samar. Larawan mula sa Northern Samar Police Provincial Office

Nasagip ang 14 crew ng isang cargo boat na lumubog sa karagatang sakop ng Poblacion 5, Capul Island, Northern Samar, Martes ng hapon.

Ayon sa impormasyon mula sa pulis, may kargang generator ng Napocor ang bangkang galing sa bayan ng San Isidro at papuntang isla ng Capul nang mangyari ang insidente.

Lumubog ang bangka may 100 metro na lamang ang layo mula sa dalampasigan dahil umano sa malakas na alon na dulot ng masamang panahon.

Masuwerte naman na nailigtas ng mga rescuer ang 14 crew nito.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa insidente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan