PatrolPH

PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2020 07:06 PM | Updated as of Dec 09 2020 02:30 PM

PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite 1
Hinatiran ng ABS-CBN ng personal protective equipment ang isang ospital sa Trece Martires, Cavite. ABS-CBN News

Tatlong taon na ang nakakaraan nang matuklasang may acute lymphoblastic leukemia ang 10 taong gulang na si Vince Aborde.

Patuloy ngayon ang chemotherapy ni Vince sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires, Cavite.

"Sobrang hirap po kasi hindi po namin alam kung saan kukuha ng panggamot dahil po sa pandemic po," ani Vivian Aborde, ina ni Vince.

"Ang asawa ko po, dati nagda-drive ng tricycle... Ngayon sa construction na lang po siya," kuwento niya.

Dumagdag pa sa gastusin ng pamilya ang pambili ng personal protective equipment (PPE) na kailangang gamitin tuwing nagpapa-check up si Vince sa ospital.

"Every month po bumabalik ng ospital... kailangan niya po 'yon at mga gamot niya."

Batid din ni Ma. Shelia Juane ang mga hinaing ng mga magulang ni Vince kaugnay sa PPE. Madalas din kasi siya sa ospital dahil may cancer ang isa niyang anak.

Sumulat si Juane sa ABS-CBN Foundation para humiling ng dagdag na PPE supply.

"'Yong mga kasamahan ko, maraming pangangailangan. Nag-isip ako saan [ako] puwede humingi ng tulong kaya nag-try po ako," ani Juane.

Hindi nag-atubiling tumugon ang ABS-CBN sa panawagan at nagdala ng PPE, hygiene kits, at relief goods sa ospital.

"Nagpapasalamat kami sa binigay ninyo na tulong... lalo na para sa mga bata," ani Juane.

Samantala, patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng nga naapektuhan ng bagyo. 

PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite 2

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

 

PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite 3
PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite 4
PPE, relief goods hatid sa isang ospital sa Cavite 5
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.