PatrolPH

Hinihinalang tulak ng droga patay sa buy-bust sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2020 11:48 AM | Updated as of Dec 08 2020 11:49 AM

Hinihinalang tulak ng droga patay sa buy-bust sa Cavite 1
Patay ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Naic, Cavite. Retrato mula sa Naic police

Patay ang isang drug suspek matapos umano manlaban sa buy-bust operation sa Naic, Cavite, sabi ng pulisya nitong Martes.

Kinilala ng Naic police ang suspek bilang si Ian Labangco, 42 anyos na residente ng Barangay Halang sa bayan.

Notoryus umano na tulak ng droga ang suspek sa iba't ibang barangay sa Naic, sabi ng pulisya.

Nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksiyon kaya bumunot ng baril, na nauwi sa palitan ng putok.

Nakuha kay Labangco ang 11 pakete ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Ayon kay Police Maj. Oliver Detchitan, hepe ng Naic police, inaasahang mababawasan ang droga sa bayan bilang resulta ng operasyon.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.