PatrolPH

Construction worker, umano'y kasabwat timbog sa dalang P2.4-M halaga ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2020 05:00 PM

Construction worker, umano'y kasabwat timbog sa dalang P2.4-M halaga ng marijuana 1
Parehong tubong La Trinidad, Benguet ang 2 suspek, na ginagamit pa umano ang kanilang work permit at travel pass para makapagbiyahe at maglusot ng droga mula probinsya papuntang Maynila. Screengrab, ABS-CBN News footage

MAYNILA — Naaresto ng pulisya sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw ang isang construction worker at umano'y kasabwat nito matapos silang makuhanan ng umano'y marijuana na nasa higit P2 milyon ang halaga. 

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4, natimbog si alyas "Don," 24, at alyas "Marky," 29 pasado alas-3 ng madaling araw sa Quirino Highway sa Novaliches.

Parehong taga-La Trinidad, Benguet ang 2 suspek, na ginagamit pa umano ang kanilang work permit at travel pass para makapagbiyahe at maglusot ng droga mula probinsiya papuntang Maynila. 

Kumpara sa mga regular na marijuana, mas mahal at de kalibre umano ang marijuana na nakuha sa 2 suspek dahil tinatawag itong "lagkit" at tila hinog na hinog na.

Sumatutal, 20 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.4 milyon ang narekober sa mga suspek.

Depensa naman ng 2 suspek, napag-utusan lang sila.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Mula sa ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News 

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.