PatrolPH

3 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2020 12:54 PM

3 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa QC 1
Sugatan ang isang South Korean National matapos sumalpok ang sinasakyang kotse sa barrier sa Quezon City. Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA - Tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang mga sinasakyang kotse sa mga road barrier sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City, madaling araw ng Martes. 

Nagtamo ng mga sugat sa mukha ang isang 53-anyos na South Korean national matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa mga concrete barrier sa Quezon Avenue, ala-1 ng madaling araw. 

Watch more on iWantTFC

Ayon sa mga rumesponde sa insidente, mabilis ang takbo ng driver at amoy alak pa umano ito. 

Galing siyang Maynila at tumatahak pa-EDSA bago ang aksidente. 

Dalawa naman ang nasugatan nang sumalpok sa concrete barrier ang isang sasakyan sa Aquino Bridge sa may Del Monte Avenue. 

Wasak naman ang harap ng kotse nang mangyari ang aksidente. 

Aminado ang driver at pasahero ng sasakyan na nakainom sila. 

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.