Paaralan sa Davao City, nagsuspende ng klase dahil sa bulutong

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 05:59 AM

DAVAO CITY—Suspendido nang isang linggo ang klase sa lahat ng antas sa Holy Child College of Davao, dahil sa isang kaso ng chickenpox o bulutong. 

 

Ayon sa Facebook announcement ng paaralan, walang klase simula Lunes, Disyembre 9, hanggang Biyernes, Disyembre 13, dahil isang estudaynte ang kumpirmadong may bulutong.

Kinailangan umanong isuspende ang klase para magbigay-daan sa city health office na gumawa ng hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. 

Pinaaalalahanan din ang mga magulang na ipa-checkup ang kanilang mga anak na may bulutong-tubig. 

Hindi pa naglabas ng opisyal na pahayag ang Davao city health office kaugnay dito. 

—Ulat ni Andoreena Causon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.