Lalaking bumaril sa kapuwa pulis patay nang 'manlaban'

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 02:20 PM

Napatay ngayong Linggo ang isang pulis sa Bunawan, Agusan del Sur matapos umanong manlaban sa mga awtoridad na umaaresto sa kaniya.

Nasawi si Patrolman Jhon Paul Gerida sa gitna ng pag-aresto sa kaniya dahil sa umano ay pagbaril kay Lt. Col. Rex Lomente noong Biyernes, ayon sa pulisya.

Nagkasa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban kay Gerida, na tumakas matapos ang pamamaril.

Stable na ang kondisyon ni Lomente matapos sumailalim sa operasyon, ayon sa Agusan del Sur Provincial Police Office.

-- Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.