Lalaking nagpumiglas sa snatchers, pinagbabaril; kasamang babae sugatan

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 08:36 AM | Updated as of Dec 08 2019 06:16 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- (UPDATE) Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kasama nitong babae matapos silang pagbabarilin ng mga hinihinalang snatchers sa Quezon City. 

Nangyari ang insidente sa kanto ng Panay Avenue at Scout Reyes sa Barangay Paligsahan.

Batay sa kuwento ng saksi, nasa labas ng isang restoran ang mga biktima nang bigla silang sugurin ng 2 pares ng riding-in-tandem. 

Inagaw ng isa sa mga salarin ang bag ng babae pero nagpumiglas ito. Doon na sila pinagbabaril ng snatchers. 

Dead-on-the-spot ang lalaking biktima habang naisugod naman ang kasama nitong babae. 

Ayon sa kay Bgy. Paligsahan desk officer Phat Pamplina, nakarinig ang mga residente nang hindi bababa sa 4 na putok ng baril.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.