4 menor de edad, 5 iba pa nasagip sa pambubugaw sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 06:05 PM | Updated as of Dec 08 2019 11:54 PM

Watch more in iWantTFC

GENERAL SANTOS CITY - Siyam na babae, kung saan 4 ang menor de edad, ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa pambubugaw noong Biyernes.

Na-rescue ang mga biktima sa isang inn sa lungsod, matapos magpanggap na kostumer ang isang NBI agent na kunwaring makikipagtalik sa 2 menor de edad.

Kasama sa operasyon ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng General Santos.

Hinuli ang 2 umanong bugaw na sina alyas "Paula" at "Ren." Narekober sa kanila ang marked money na P2,000.

Sasailalim sa counseling ng CSWDO ang mga na-rescue.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong human trafficking na isang non-bailable offense.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.