PatrolPH

2 pulis timbog sa ilegal na sabong sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2018 05:05 PM | Updated as of Dec 09 2018 04:01 PM

MAYNILA—Arestado ang dalawang pulis matapos mahuli sa isang tupadahan sa Tondo ngayong Sabado.

Arestado sina PO2 Melchor Nuñez at PO2 Emerson Frutas na nakasuot pa ng police uniform at 5 pang sibilyan na naabutan sa tupadahan.

Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat Jr, commander ng PNP-Counter Intelligence Task Force, hindi maituturing na maliit na kaso ang operasyon dahil dito ay makikita na kahit sa mga tupada ay may pulis na hinahayaan ang ilegal na operasyon. 

Sa mahigit 1,800 pulis na nasa watchlist ng PNP-CITF, may 90 pulis na ang naaresto at 9 ang nanlaban umano at napatay sa mga ikinasang operasyon.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.