7, kabilang 2 bata, huli sa Oplan Galugad sa Caloocan

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 11:09 AM

Limang lalaki at 2 menor de edad ang nahuli sa lingguhang simultaneous police operations sa Caloocan Biyernes ng umaga.

Natagpuan sa computer shop ang 2 batang lumabag sa curfew, samantalang umiinom naman ng alak sa kalye ang 4 na lalaki. May isa naman na walang suot na damit pantaas.

Kaunti lamang ang mga nahuli ngayon kumpara noong mga nakaraang operation galugad na umaabot sa 50 hanggang 100 katao.

Ayon sa pulisya, sumilong na ang mga tao nang magsimulang umulan at posibleng natuto na rin sila sa paulit-ulit na operasyon ng Caloocan police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.