PatrolPH

12 anyos na babae hinihinalang ginahasa, pinatay sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2022 02:06 PM

Watch more News on iWantTFC

Natagpuan ang bangkay ng 12 taong gulang na babae sa isang sapa sa Toril district, Davao City, sabi ngayong Miyerkoles ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang tumawag at sinabing may nakitang bangkay ng batang babaeng hinihinalang ginahasa.

Base sa inisyal na findings, may mga pasa sa leeg ng dalagita, na senyales umano na sinakal ito.

Nakatanggal din umano ang damit pang-ibaba ng biktima at may nakitang dugo sa ari nito.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng salarin.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.