PatrolPH

SAF member, 'most wanted' na suspek patay sa shootout sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2021 08:50 PM

Patay ang isang miyembro ng Special Action Force (PNP-SAF) at ang isang most wanted na suspek matapos ang isang shootout sa Lamitan, Basilan ngayong Martes ng hapon.

Ayon sa PNP, maghahain sana sila ng warrant of arrest kay Jerry "Borhan" Harayin, isang "top 5 most wanted person", nang paputukan sila ng suspek. Kasong pagpatay ang kinasasangkutan ni Harayin.

Pinagbabaril umano ng suspek ang sasakyan ng SAF kaya gumanti ng putok ang mga operatiba.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan si Harayin na ikinasawi niya. Isang M16 rifle ang narekober umano mula sa kaniya.

Namatay habang nagpapagamot sa ospital si Police Cpl. Nizar Alijam.

Nasugatan naman ang pulis na si Police SSgt. Sabas Banatao at isang 15-anyos na lalaki na natamaan ng ligaw na bala.

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.